Gumagamit
  • 6.8
  •  
Softonic
  • 8
  •  
Lisensya:
libre
Wika:
Ingles
OS:
  • Windows XP
  • Windows Vista
  • Windows 7
  • Windows 8
Pinakabagong bersyon:
9.15.20142010-01-15
Mga download sa nakaraang buwan:
508,046
Laki:
2.21 MB
Developer:

Libreng istratehiyang pangbakbakan para sa pangmaramihang manlalaro

Ang mga larong Depensa sa mga Tore ay naging malaki sa taong ito, marahil umabot na sa pinakadalisay na rurok kasama ng laro ng Popcap na Plants Vs Zombies. Pinagsama ang pinagbabatayang ideya ng pagdedepensa sa pantasya at mga MMORPG (Massively multiplayer online Role playing games), at nariyan ang League of Legends, isang multiplayerna larong pang-online strategy.

At mayroong lugar na isometric, ang League of Legends ay nilalaro sa online ng dalawang koponan na mayroong tiglimang miyembro. Bawat koponan ay may base na napapaligiran ng mga turret na pangproteksyon. Sa labas nito ay ang lugar ng kalabang koponan. Bawat manlalaro ay may ginagamit na Kampyon, na kung saan ay may iba't ibang klase. Ang mga ito ay suportado ng mga dumaraming mga alalay na sumasama sa mga manlalaro sa kanilang paglalakbay, at kadalasang tinatamaan ng kalaban. Ang League of Legends ay kinokontrol sa pamamagitan ng keyboard at ng mouse at madali lamang ngunit mayroon din mga gayuma at mga espesyal na pagatake para magamit sa laro na nagiging dahilan upang maging mahirap ito.

Ang layon ng League of Legends ay ang labanan ang mga alalay ng mga kalaban, sirain ang mga depensang turret para makagawa ng daanan patungo sa 'ancient' ng kalaban. Sa oras na ito ay masira, ikaw ang panalo. Mukhang madali lamang! Ngunit, kahit madaling matutunan at kaaya ayan rin, ang laro ng League of Legends ay inaabot ng matagal na paglalaro.

Ang turret na pangdipensa ay hindi madaling sirain kahit na walang mga umaatakeng mga kalaban kung kaya't isang malaking bagay na makamtan ang magawa ito. Mas matagal mo itong laruin, mas maraming karanasan ang iyong maiipon na magiging daan upang magkaroon ng maraming mga sumpa at lakas na nagbibigay ng kakaibang karanasan sa laro. Kung ang iyong koponan ay may kahinaan, malamang ay kasiguruduhan ang iyong pagkatalo kahit na matagal mo na itong nilalaro!

Ang League of Legends ay mukhang maganda, na may kaaya-aya at maliwanag na istilo, may pagkapareho sa World of Warcraft (ngunit hindi ang 3D). Maganda at propesyonal ang pagkakagawa ng tugtog, na nagiging dahilan upang maging isang libre at magandang laro, isa sa mga pinakamaayos na larong iyong magagamit.

Ang League of Legends ay isang makabagbag-damdamin pangmaramihang manlalarong laro ng Depense sa Tore na maaring humakot sa mga oras ng iyong buhay kung hindi ka maingat!

Pros
  • Magagaling na pangkontrol
  • Magandang tugtog at mga grapiko
  • Magilas na larong panggrupo
Cons
  • Talagang mahahaba ang mga laro

Nangungunang Mga Download: Mga larong multiplayer

  1. Cross Fire

    Online multiplayer shooter na puno ng aksyon

  2. Plants vs. Zombies
  3. Garena+
  4. Minecraft
  5. Cheat Engine